pabango ng 'yong mata
orange & lemons
'wag ka nang manangis irog
ako'y malapit nang mamatay
at saka mo na diligin ang libingan ko
ng pabango ng 'yong mga mata
nagpapaalalang tayo'y tao lamang
nakakalimot pagkat tayo'y tao lamang
upang ika'y mahagkan man lang ng mahigpit
kusang napapahandusay sa aking malupit na papag. nabibilang ko ang sikat ng araw
parang kay bilis na ng ikot ng mundo
marahil ito na ang huling awit at hapdi
'wag ka nang manangis irog
sayang lamang ang luha mo
ako'y malapit nang mamatay
ng pabango ng 'yong mga mata