pag-asa

chocolate factory

laman ng isipan

nabubusog ako tuwing ikaw ay nasisilayan

pinuno mo ng kulay at ng liwanag ang buhay

ngayon nahihirapan sa'yong biglang paglisan

gabi-gabing nangungulila

araw-araw ay lumuluha

kahit na ano pa ang mangyari

asahan mong ako'y nandito lang

kahit na ako'y magmukhang tanga

maghihintay pa rin sayo sinta

alalahanin mo sana ang pag-ibig ko sinta

maghihintay pa rin lahat ay gagawin

laging inaasahan

sa paglipas ng araw ika'y muling matatanaw

halik at mga yakap mo ang hinahanap hanap

hangganan ng pag-asa'y aking pinapangarap

gabi-gabing nangungulila

araw-araw ay lumuluha

kahit na ano pa ang mangyari

asahan mong ako'y nandito lang

kahit na ako'y magmukhang tanga

maghihintay pa rin sayo sinta

alalahanin mo sana ang pag-ibig ko sinta

maghihintay pa rin lahat ay gagawin

oo masakit ang umasa sa wala

pero para sakin mas masakit kung tuluyan ka nang mawawala

pagkat magmula ng mawala ka sa sarili parang nawala na

gustuhin ko man na magwala alam kong wala ng magagawa pa

tiwalang pinagkatiwala mo sakin ay nawala na

nauwi sa wala magmula ng nawalan ka ng gana

tila ba balewala na ang lahat ng kumawala ka

pero sa gitna ng kawalan ay di nawalan ng pag-asa

na magsasama pa tayong muli

tayo uli sana di pa huli

na maituwid ang aking mali

na maibalik ang dating ngiti

ng labi mo yan ang nais ko

patawad kung sa tingin mo'y labis to

pero wala na kong iba pang ginusto ng husto bukod sa iyo

anu man ang sabihin nila kahit mukha ng tanga

alam mong nag-iisa ka

di ka dapat mag-alala

di na to mag-iiba pa

ikaw ang laman

ikaw lang naman

lagi mo yang tatandaan

handang patunayan tunay na pag-ibig kahit kung muling pagbibigyan

kahit na ano pa ang mangyari

asahan mong ako'y nandito lang

kahit na ako'y magmukhang tanga

maghihintay pa rin sayo sinta

alalahanin mo sana ang pag-ibig ko sinta

maghihintay pa rin lahat ay gagawin

alalahanin mo sana ang pag-ibig ko sinta

maghihintay pa rin lahat ay gagawin

ohhh. woahhh. yeah. ikaw ang laman

ikaw lang naman

ikaw ang laman

lagi mong tatandaan

ikaw ang laman

di na pakakawalan

ikaw ang laman

pangako ko sayo yan

ikaw ang laman

di ka mapapalitan

ikaw ang laman

sanay lagi kang nandyan

ikaw ang laman

kahit na nasan ka man

ikaw lamang.