parang langit
Singer:daryl ong
kay tagal kong pinapangarap na ika'y matagpuan
dati ay sa panaginip lang kita nahahagkan
araw-gabi ikaw sa puso ko ang siyang sinisigaw
hanggang langit ang pag-ibig labis kitang mahal
'di maaawat ang puso kong ito
na ikaw palagi ang iibigin ko
parang langit 'pag ika'y kapiling na
'di maipaliwanag ang nadarama
'di ko kaya na mabuhay kung mawawala ka pa
ang puso ko'y dumadalangin na lagi'y kapiling ka
ang buhay ko'y kulang kapag 'di ka nakikita
aanhin ko ang bawat araw kung mawawala ka pa
sa akin ay ikaw lamang tunay na mahal kita
'di maaawat ang puso kong ito
na ikaw palagi ang iibigin ko
parang langit 'pag ika'y kapiling na
'di maipaliwanag ang nadarama
'di ko kaya na mabuhay kung mawawala ka pa
parang langit 'pag ika'y kapiling na
'di mapaliwanag ang nadarama
'di ko kaya na mabuhay kung mawawala ka pa