walang mas sasakit pa sa maiwan
lalo kung 'di manlang magpapaalam
tila wala manlang pakialam
lagi na lang akong pinaparusahan
ano ang kasalanan lagi ang katanungan
walang humpay na pagmamahalan
ang tanging kahilingan sana'y mapakinggan
nasanay na lagi sa piling mo
kailan makakamtan ang kahilingang hindi maiwanan
sa mga ulap ay nakatingin
ang buhay ko'y wala manlang ningning
bumabalot ay puno ng dilim
lagi na lang akong pinaparusahan
ano ang kasalanan lagi ang katanungan
walang humpay na pagmamahalan
ang tanging kahilingan sana'y mapakinggan
nasanay na lagi sa piling mo
kailan makakamtan ang kahilingang hindi maiwanan
mundo ko ay ikaw. ayokong malimot ng mundo
nasanay na lagi sa piling mo
nasanay na lagi sa piling mo
kailan makakamtan ang kahilingang hindi maiwanan