paumanhin

better days

isang gabi nakita ko

ang 'yong mga mata'y mugto

sa mga sakit naidulot ng gawain ko

ang puso koy nahihiya 'pagkat sayo'y nagkasala

unan moy binalot sa luha

hindi makatingin sa'yong mga mata

basag na salamin

ang 'yong kaluluwa

o aking mahal

paumanhin

sa mga gabing ika'y humihikbi

hindi ko alam kung bakit napatid

hindi ko alam

hindi ko alam

pag gising sa umaga ay

hinanap ang iyong kamay

'di batid ang lamig ng puso kong nananamlay

mahal kita aking sinta

ikaw sana'y maniwala

unan koy binalot sa luha

hindi makatingin sa'yong mga mata

basag na salamin

ang 'yong kaluluwa

o aking mahal

paumanhin

sa mga gabing ikay humihikbi

hindi ko alam kung bakit napatid

hindi ko alam

hindi ko alam

o aking mahal

paumanhin

sa mga gabing ikay humihikbi

hindi ko alam kung bakit napatid

hindi ko alam

hindi ko alam

o aking mahal

paumanhin

o aking mahal

paumanhin