piso mula sa puso

Singer:siakol

pag-ibig ba ang tawag sa iyong ginagawa?

ang gamitin ang mahihirap para lang makilala

na sa tuwing tutulong ka kailangan pa ang ma-dyaryo

at makita ka sa tv o marinig pa sa radyo

hindi nga masama ngunit ito'y panunumbat

na sa puso ng marami ay lubhang sumusugat

ba't 'di mo lingunin kung saan ka nga ba nagmula

isusubo na lang nila inaagaw mo pa

mayaman ka na nga lalo ka pang nagpapayaman

sila pang mga mahihirap ang iyong tinatapakan

ang kapangyarihan mo'y ginagamit sa 'di tama

'di ka ba nahahabag sa hitsurang kaawa-awa

at kapag napansin ka umaalma ka kaagad

daig mo pang eroplano sa tayog ng 'yong paglipad

ang iyong kahangalan tigil-tigilan mo na pare

at sa impiyerno'y malaki-laki pa ang nakabakante

piso mula sa puso at hindi sa kasikatan

at hindi nanggaling sa mga nagawang kasamaan

kayamanan mo'y 'di madadala sa kamatayan

gawing makabuluhan ng makaahon ang taumbayan

hoy

nakikinig ka ba? o nagbibingi-bingian ka?

hoy

nakakatulog ka pa ba? ah

bangungutin ka sana

masdan mo ang sinapit ng ating kapaligiran

na sinira ng sistema mo ang natatanging kalikasan

ngayo'y nadamay ang mga walang malay na tao

at ika'y nangingisi pa na parang nakakaloko

dahil ba sa mapapansin na namang muli ang 'yong pangalan?

'di ka ba nagsasawa sa paggawa ng kamalian?

bumango man ang pangalan mo mahirap tanggapin

sa aming paningin

'tang-ina

mabaho ka pa rin

piso mula sa puso at hindi sa kasikatan

at hindi nanggaling sa mga nagawang kasamaan

kayamanan mo'y 'di madadala sa kamatayan

gawing makabuluhan ng makaahon ang taumbayan

Lyric Context: piso mula sa puso - siakol