malakas! bagong gawa ni chito at ni gloc
malakas! bagong gawa ni chito at ni gloc
kaya't wag kang haharang sa daraanan ng pison
matagal-tagal na rin akong hindi gumamit ng ganitong pamamaraan
sa pagbigkas ng mga salitang nagbabaga samantala para bang ang dami ang nag-uunahan
sino ba talaga ang pinakamabilis?
kasi ang tunay na tanong ay kung gano ka kagutom
mayakap malawak ang balak itarak ang itak
madami mang beses na madapa
dahil ang kinabukasan mo di pwedeng mabulok
sige lang itulak mo ang kariton
kung di abot ikaw ay tumalon
pagkakataon na sitahin kahit nakalingon
pawis na tumulo pag-inipon mo galon-galon
sa buhay na mapagbiro di pwede dito ang pikon
nauna sa tadhana pumikit lang ang pahinga
kumain na kayo nakahain na
ang pagmamahal na kailanma'y tinuro sa aking ina
kahit na ako minsan ay nagkakalatay kay tatay
ang kanyang mga payo sa akin ay siyang umakay
di makinis ang daan anak kailangan mong masanay
tandaan mo na hindi pwedeng madaliin ang palay
tiyagain mo lang. kahit ano mang mangyari
kaya't wag kang haharang sa daraanan ng pison
di mo kailangang pakinggan ang sinasabi ng mga ayaw maniwala
kahit medyo pawisan diretso lang parang kalan at paliyabin natin ang baga
ng mga pinapangarap mo dapat tibayan dahil natural lang ang mabahala
sagad mo lang kahit na gano kadambuhala
sandali nga hindi pa ko tapos
itupi ang tuhod kung dahilan sa kumot ay kapos
kaya malamang na mabalian
sa laro na bilang ko lang ang tunay kong kaibigan
hindi katulad ng bitak-bitak na mga palad
tipak-tipak na sugat sa tubig ay nakababad
mamasa-masa kaya hirap pagalingin kaagad
agad tumatayo tuloy-tuloy pa rin ang lakad
daanan mo ng daanan hanggang sa'yong madagit
kahit ika'y pagdudahan ng kaibigang matalik
pare buhay pa rin si magic!
kaya't wag kang haharang sa daraanan ng pison