pusong dragon

abra

oh mahal na prinsesa ako ay nagbighani

nabihag ang puso ko sa ganda mong bukod tangi

ambon sa bahaghari

ulan ng bulalakaw sa langit

hangin sa akin nag aapoy na damdamin

kamahalan

paraluman ng kaharian sa ulap

papaano mapapalapit sayo tong taga lupa

suntok sa buwan totoo yan

gayun pa man gusto ko lang

umaraw man o umulan

ikaw ay mapayongan

oh mahal na prinsesa ako'y nahuhumali

hindi ko akalain ika'y natutuwa rin

sarap mong kasama at ang saya mong kausapin

kaya yung kahit hindi makatunog nagtutugma rin"