sa mga bituin na lang ibubulong

Singer:de guzman, jm

ala una ng umaga na naman

hanap pa rin ang 'yong amoy sa 'king unan

kanina pa nakahiga sa aking kama

pilit limutin ang ganda ng 'yong mata

sa mga bituin nalang kaya ibubulong?

ang mga lungkot na aking nadarama

hihintayin na lamang ang panahon

na paggising ko ay nariyan kana

alas-tres na ng umaga na naman

hinihintay na bumaba na ang buwan

kanina pa paikot-ikot sa kama

tulad ng pag-ibig nating dalawa

sa mga bituin nalang kaya ibubulong?

ang mga lungkot na aking nadarama

hihintayin na lamang ang panahon

na paggising ko ay nariyan kana

sana'y landas nati'y magtagpo

at hahanapin ang tayo

sa mga bituin nalang kaya ibubulong?

ang mga lungkot na aking nadarama

hihintayin na lamang ang panahon

na paggising ko ay nariyan kana

at babalik ka na sa'kin aking sinta

Lyric Context: sa mga bituin na lang ibubulong - de guzman, jm