sa pagsapit ng kapaskuhan

siakol

halika na aking mahal

at salubungin natin ang araw na banal

ang kapanganakan ng sanggol sa sabsaban

na dinadakila ng sanlibutan

anghel na nag-aawitan

tatlong hari na naglakbay para siya'y alayan

ang tutubos sa ating mga kasalanan

upang makamtan ang kasaganahan

pakinggan ang kalembang ng simbahan

pagmasdan ang belen sa di kalayuan

makihalo sa ingay

sigawan at putukan

sa pagsapit ng kapaskuhan

simoy ng hangin ay langhapin

at ating damhin ang ganda ng buong tanawin

na minsan lang kung mangyari sa isang taon

wag palampasin ang pagkakataon

pakinggan ang kalembang ng simbahan

pagmasdan ang belen sa di kalayuan

makihalo sa ingay

sigawan at putukan

sa pagsapit ng kapaskuhan

halika na aking mahal

at silipin natin ang tala at magdasal

na matapos na ang lahat ng kaguluhan

at maghari na ang tunay na kapayapaan

Full Lyrics: sa pagsapit ng kapaskuhan - siakol