salbahe

gloc-9

lagot ka sa nanay mo

palo ka na ng tatay mo

ba't ganyan ang ugali mo

huli ka

wag kang tatakbo

mga salbahe

hindi kasali

dun sa naghahanda kang itali

mga salbahe

hindi kasali

dun sa naghahanda kang itali

makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento

malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo

parang kapit-bahay ko si kadyo

ugali niya'y tabingi medyo

sa umaga'y pabili neto

sabay tungga sa bote ng anyeho

bakit di pa ikaw ang nadedo

yun pang kapatid mo na si beto

na wala nang ginawa kundi kumayod para ang mesa ay kumpleto

di tulad mo na lasenggo

palaging nasa basag-ulo

ikaw ay suki ng kalaboso

laging nasa punot-gulo

kadalasan pa ika'y bastos

di ka marunong magkuskos

isip-bata ka pa sa musmos

mukha ka na parang may luslos

kelan ka pa magbabago

eh pano?

kung wala nang maniwala sa mga nagreklamo

alam ko ang pwede mong sabihin sa akin ay

wag kang makialam

at ang lahat ng mga nangyayari sa bahay

o buhay mo'y di ko alam

pero pano ba yan

palaging tandaan

ito ay kanta ko hindi ba?

kaya wala ka nang magagawa

narito na ang tanya markova

lagot ka sa nanay mo

palo ka na ng tatay mo

ba't ganyan ang ugali mo

huli ka

wag kang tatakbo

mga salbahe

hindi kasali

dun sa naghahanda kang itali

mga salbahe

hindi kasali

dun sa naghahanda kang itali

makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento

malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo

itong guro ko na masungit

pangala'y ginang buenaofra

parang ayoko nang pumasok kase kung makatingin ay parang cobra

pinagiinitan

ginigisa

ako'y animo'y talong na tinorta

di na nga matapos sa pagsusulit

wala pang makuha na suporta

'pag minamalas ay merong batok

pag napalakas ay parang dagok

kaliwa man o kahit na kanan

parang 3 points ni ronnie magsano

ang pabaon lagi ay burong

dapat mataas ang marka sa bunot

buhok ay sanay na sa pagsabunot kaya noo'y natakot sa pagkakulot

mawalang galang na po ma'am

di po ba kayo makaramdam

sino pong maysabing ang mga pananakit niyo'y

parang kagat lang ng langgam?

alam mo ba ganito? sabihin sa akin ay wag kang makialam. at ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam. pero anumang balakid 'yan

kaya wala ka nang magagawa narito na ang tanya markova. lagot ka sa nanay mo

palo ka na ng tatay mo

ba't ganyan ang ugali mo

huli ka

wag kang tatakbo

mga salbahe

hindi kasali

dun sa naghahanda kang itali

mga salbahe

hindi kasali

dun sa naghahanda kang itali

makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento

malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo

pinakikilala ko sa inyo kaibigan ko si onse

kase palaging may sipon

jumijingle dun sa kahit saang poste

at kahit pa sa edad na dose

madami na siyang nalooban na kotse

palakad-lakad sa mabalakad

nilalapitan kahit na sinong prospe

upang makahingi sa'yo ngkahit na konte

akin na bente pesos

kase pambili ng gamot

para dun sa kapatid ko na si remedios

pero ang totoo po niyan

para di kumalam ang kaniyang tiyan

sa tindahan ng semento pagbilan

ng pandikit ng sapatos oh ayan!

e-e-e-enhale

exhale. pwede ba tigilan mo na nga yang rugby

hindi ba tama naman ako sabi nila

tatay mo sakin exactly

pero alam ko kung anong pweden mong sabihin sa akin ay wag kang makialam. at ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam. pero anumang balakid 'yan

kaya wala ka nang magagawa narito na ang tanya markova. lagot ka sa nanay mo

palo ka na ng tatay mo

ba't ganyan ang ugali mo

huli ka

wag kang tatakbo

mga salbahe

hindi kasali

dun sa naghahanda kang itali

mga salbahe

hindi kasali

dun sa naghahanda kang itali