santa klaws

Singer:siakol

ikaw na ba yan? oh santa

matagal na rin kitang gustong makita

mula nung ako ay bata pa

pangarap na kitang makasama

kaya ikaw na ba yan? oh santa

ikaw na ba yan? oh santa

sa aming bubong ay dahan-dahan pa

meron ka bang dala-dala

at akong bubuhat pwede ba?

sa pagbibigay ng regalo ay tutulungan ka

at sasakay sa karwahe na lumilipad sa gabi

hila ng mga reindeer na si rudolf ang bida sa byahe

ikaw na ba yan? oh santa

balbas saradong mama at nakapula

tuwing pasko ikaw ay kilala

pero di naman nakikita

kaya ikaw na ba yan? oh santa

at sasakay sa karwahe na lumilipad sa gabi

hila ng mga reindeer na si rudolf ang bida sa byahe

ikaw na ba yan? oh santa

bakit sa mukha ay may medyas ka pa?

at iba ang yong kinakarga

mga gamit naming kinukuha

pati ang konti kong pera'y dinagit pa

iba na ngayon si santa

nangayayat at mukhang naghirap na

at dapat nang mag-ingat sa kanya

akyat bahay na ang raket niya

si santa klaws ay magnanakaw na pala