ohhhhh. sino ang maton may pusong 'di mamon
walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon
ako'y isang maton at tila kamagong
ang aking pagkalalaki kahit sino'ng magtanong
pag ako'y lumapag ay tiklupan lahat
kay bilis kumaripas walang kaparehas
kasing tigas ng braso ko ang malamig na rehas
sa dami ng sinapak ang lahat ay pinakaba ko
parang yelo sa bulok na ngipin nakakangilo
pag tinamaan ka sa panga sigurado kang hilo
sakit sa katawan pag ika'y inabutan
walang makapalag kahit na may binatukan
balde ng kamao ika'y pinapaliguan
tawagin mong sinungaling parang kabaluktutan na pinilit maibaling
gamit na panindak kahit walang pahapahaging
dahil kung minsan ay hindi lamang puro tigas
pakuluin ng lumambot ang butil ng bigas
tatahakin ang tama kahit na maputik at madulas
sino ba ang duwag at basag ang mukha
hindi sumalag ngunit sa gapos ng buhay
walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon
ako'y isang maton at tila kamagong
ang aking pagkalalaki kahit sino'ng magtanong
'di mo kayang durugin 'to
'di mo kayang takutin 'to
matapang pagdating sa kapakanan ng iba
maangas kapag kaharap ang hamon ng iba
'di pasisindak sa takot at kaba
gabi-gabi digmaan ng kanyang mga tato
kahit bugbog sarado hindi magpapatalo
kapag pinabagsak agad-agad bumabangon
itaas ang bandila ng makabagong siga