slo mo

eraserheads

dati'y walang takot kang sumubok

ng kahit anong gawain

walang kasawa-sawa sa mga bagay-bagay

di na kailangang isipin

kung anong mangyayari

walang pakialam kahit anong kalabasan

sa oras na tanso

di nanghihinayang

heto na ngayon

punong puno ang utak

ang daming ninanais

ang daming kailangan

pero walang panahon

slow

it hurts so fine

slow

i'm killing time

my lemon lime

ang mga tao sa buhay mo

ay nagdaraan lamang

umaalis

dumarating

walang naiiwan

ang kwento ng pag-ibig

ay kumusta at paalam

ngayo'y alam mo na kung paano mag-isa

natagpuan ang kasagutan

sa mga katanungan

lahat ay nangyayari tamang oras at lugar

pero iba ang nasasabi

unti-unti mo nang naiintindihan

ang payo ng magulang

slow

it hurts so fine

slow

i'm killing time

my lemon lime

di mo kailangan unawain

ang aking mga gawain

di mo pwedeng ikahon ang pagod at puyat ko

kung may nais kang malaman

ba't di mo rin subukan

makinig ka nang mabuti

tumatanda na ang pusa ko

kahihintay sa linya ng telepono

slow

it hurts so fine

slow

i'm killing time

my lemon lime