sumama ka sa akin

Singer:siakol

sumama ka sa akin ikaw ay aking dadalhin

sa magagandang tanawin na ngayon mo lang mararating

kahit magkaiba tayo pero akong pinili mo

kaya dapat masanay ka dito sa aking mundo

sumama ka sa akin tayo ay mag-gagala

nood tayo ng sine syempre ikaw ang taya

mag-swimming tayo sa ilog manguha tayo ng kuhol

kumain tayo sa labas ng sago tsaka fishball

buo ang araw ko kasi kasama ka

limot ang problema at laging masaya

ano kaya kapag ikaw ay nawala

mabuti pang mamatay na lang

ang kapitbahay kong siga

sumama ka sa akin doon sa manila zoo

magpapa-picture tayo kasama ang mga tsonggo

check in tayo sa anito wag sasama ang isip mo

walang ibang gagawin maglalaro lang ng bingo

buo ang araw ko kasi kasama ka

limot ang problema at laging masaya

ano kaya kapag ikaw ay nawala

mabuti pang mamatay na lang

ang alaga kong daga

sumama ka sa akin tayo ay mangangarap

wag ka lang sosobra baka tayo ay maholdap

ilan ang gusto mong anak para sa hinaharap

magtiwala ka lang sa akin hinding hindi ka iiyak

buo ang araw ko kasi kasama ka

limot ang problema at laging masaya

ano kaya kapag ikaw ay nawala

mabuti pang mamatay na lang

ang kuko mo sa paa