hindi na bali. pang-gulo ka sa isipan
ako'y iyong pinahihirapan
pwede bang lumayo ka na. kamakailan lang ay aking napag-isipan
na ang mga katulad mo ay dapat kalimutan
bumalik kana sa iyong pinanggalingan
kung san masikip sisiksik walang ginawa
kung hindi maghasik ng kadiliman
ba.demonyo. dahan-dahang lumalapit
ulo'y sumasakit. liwanag ay tinatabunan
nababaliw lang dahan-dahan
diyos ako'y iyong tulungan
ang demonyo'y pag-sabihan
palayasin sa isipan ang kadiliman.