sa ilog ang mundo'y tahimik
akoy nakikinig sa awit ng hangin
na sana'y dumating bago magdilim
sa twina'y kandungan niyo ang duyan
panaginip na walang katapusan
ang ilog hantungan niya'y pangako
luhang daloy ng tubig sa ilog na di naglilihim
sa ilog ang mundoy may himig
di sana magpalit ang awit ng hangin
mata'y may ngiti puso'y nananabik
sa twina'y kandungan niyo ang duyan
panaginip na walang katapusan
ang ilog hantungan niya'y pangako
luhang daloy ng tubig sa ilog na di naglilihim
sa ilog. ngiting kasama ng hangin
luhang daloy ng tubig sa ilog na di naglilihim