tag-araw tag-ulan

Singer:pangilinan, michael

tag-araw

sa may dagat namasyal

at pagdilim

sa may baybay humimlay

at nagyakap

sabay sa pagsabog ng alon

sabay sa paghuni ng ibon

saksi ay liwanag ng buwan

'di ba sabi mo pa

na wala pang iba

na ako ang una

sa pagmamahal mo

sinta

at ang buhay

nating dal'wa ay nagbunga

ng makulay na pag-ibig na dakila

ngunit bakit

ngayong umuugong ang hangi't ulan

'sing lamig ng gabi ang mga halik mo

ni wala ng apoy titig mo sa akin

naglaho ba ang pagmamahal mo

sinta

at nagyakap

sabay sa pagsabog ng alon

'di ba sabi mo pa

na wala ng iba

at sa habang buhay

tayo'y magsasama

nakamtan ko ang pagmamahal mo

sinta

ngunit bakit

sa tag-ulan ay naglaho

'sing lamig ng gabi ang mga halik mo

ni wala ng apoy titig mo sa akin

ang pagmamahal mo

sinta