tagpuan (duet version)

Singer:dela torre, moira

'di

'di ko inakalang

darating din sa akin

nung ako'y nanalangin kay bathala

naubusan ng bakit

bakit umalis nang walang sabi?

bakit 'di siya lumaban kahit konti?

bakit 'di maitama ang tadhana?

at nakita kita sa tagpuan ni bathala

may kinang sa mata na 'di maintindihan

tumingin kung saan

sinubukan mo'ng lumisan

at tumigil ang mundo

nung ika'y nakita ko

ikaw ang panalangin ko

at hindi

'di mapaliwanag

ang nangyari sa akin

saksi ang lahat ng tala

sa iyong panalangin

pa'no nasagot lahat ng bakit?

'di makapaniwala sa nangyari

pa'no mo naitama ang tadhana?

nung nakita kita sa tagpuan ni bathala

may kinang sa mata na 'di maintindihan

tumingin kung saan

sinubukan kong lumisan

at tumigil ang mundo

nung ako'y ituro mo

at hindi na lalayo

at hinding-hindi susuko

oh nagbago ang mundo

nung ako'y pinaglaban mo

at tumigil ang mundo

nung ako'y pinili mo

ikaw ang panalangin ko

Lyric Context: tagpuan (duet version) - dela torre, moira