takip silim

gloc-9

di ko sana binatawan ang iyong mga kamay

at sa paglipas ng taon ako sa'yo ay sumabay

alalayan at masamahan ka sa huli

'yan ay 'di ko ginawa

noong ikaw ay akin pa

paggising sa umaga diretso sa banyo

naligo nang maaga

nilakasan ang radyo

habang pinili ang paborito kong damit

na ginamit ko nung tayo'y magkakilala

lumabas ng bahay

tumingala sa langit

kahit na tulala ay mahinang inaawit

sa'king sarili ang himig na nadinig

sa radyo nung tayo'y magkakilala

di ko sana binatawan ang iyong mga kamay

at sa paglipas ng taon ako sa'yo ay sumabay

alalayan at masamahan ka sa huli

'yan ay 'di ko nagawa

noong ikaw ay akin pa

kahapon ay nanggaling ako sa manggagamot

at ang laman ng hangin sa baga'y 'di aabot

kahit nalaman ay 'di naman ako galit

ibinaling ko sa dami ng naalala

tanong ko sa aking sarili

ano ang gagawin ko?

lahat ng tila imposible

pagkakasyahin ko

lalangoy sa dagat maliligo sa ulan

maghahanap akong makahiya sa damuhan

habang lumalakad ng nakapaa sa putikan

ang oras ay ngayon walang tanong na kailan

asintahin mga bituin pagmamasdan ng mabuti

magbebenta ng mura 'di bale na kung malugi

'wag kang magaalangan bawasan ang muni muni

dapat 'di ka natatakot bahala na kung mahuli

aking sasabihin ang lahat ng gusto kong sabihin

lulusungin ang lahat ng gusto kong sisirin

mailap na kasaguta'y aking hahanapin

ang mga mahal sa buhay ko ay aking yayakapin

lumuhod sa ama

tumingala nang ang maling nagawa mabaliwala

ang paalam ay isang malungkot sa salita

lalo na kung marami ka pang hindi nagawa

kaya sabihin mong mahal mo s'ya

bago mahuli ang lahat

kalagan mo ang dilang kagat

tapos bumalik sa umpisa para lang humina lahat

at marinig mo ang tama't tapat

dahil ang buhay natin ay hiram 'di alam kung kailan

o kung ga'no kaigsi ang panahong nakalaan

buhay natin ay hiram 'yan ay dapat mong alam

dahil ang kahapo'y 'di na natin pwedeng balikan

di ko sana binatawan ang iyong mga kamay

at sa paglipas ng taon ako sa'yo ay sumabay

alalayan at masamahan ka sa huli

'yan ay 'di ko ginawa

noong ikaw ay akin pa

di ko sana binatawan ang iyong mga kamay

at sa paglipas ng taon ako sa'yo ay sumabay

alalayan at masamahan ka sa huli

'yan ay 'di ko ginawa

noong ikaw ay akin pa

noong ikaw ay akin pa

noong ikaw ay akin pa

noong ikaw ay akin pa

Full Lyrics: takip silim - gloc-9