tao

gloc-9

ang awiting ito'y para sa lahat ng minahal natin

ito'y para rin sa lahat ng mga nag-mahal sa atin

tulay ng isang ibo'y

tao ay lumilipat

pangarap ang tanging nais

na marating at matupad

bakit pa luluha?

bakit maghihirap?

ayaw mang mangyari

ay di masasabi

minsan tayo ay nalilibang

di natin napapansin

oras na lumilipas ang pilit nating lilingunin

sana'y nasabi ko

sana'y nalaman nya

sana'y nung giginaw'y hawak ko ang palad nya

ngunit na isip ko

ngayon ay mas dinig

kahit na isang kulong

kahit na isang pintig

ang puso pag sinabi mong sya ay mahalaga

asahan mo'y sayo ganun din ang nadarama

isip ay nalilito

pag naka kita ng bago

lahat ng bagay sa mundo

ay isang malaking tukso

sasaktan mo lamang

puso ay huwag sugatan

ito'y laro lamang

sa mundong makasalanan

matapos ang lahat

isa lang ang aking napatunayan

huwag mong hayaan na parang alikabok sa lasangan

na lumilipad lipad at tuluyan ng mapahalo

pag umula'y magiging putik

sa kanal na bumabaho

sabi nga nila ang buhay ay siguradong hindi

lahat ay nakatakda

pero hindi ka pwedeng mamili

at kung mayroong pagkakataon

mahigpit kong yakapin

dahil baka bukas sayo'y bigla na lang agawin

tubig ay natutuyo

bulaklak ay nalalanta

araw ay lumilipas

sa gabi rin ang punta

sasaktan mo lamang

puso ay huwag sugatan

ito'y laro lamang

sa mundong makasalanan

salamat sa pag-kakataon kayo ay naka sama

salamat sa mga araw

may luwa man o tawa

salamat dahil nalaman ko ang aking pagkukulang

pero sa kabila nito

ako'y hindi nyo kinalimutan

salamat dahil ako'y ayong tinuring na kaibigan

salamat at sa susunod nating kamustahan