Singer:espanto, darren
umagang may dala
ng bagong pag-asa
tibok ng puso bawat hininga
kislap ng bituin
lamig ng hangin
sagot sa panalangin
di man natin hingin
ang pasko'y paalala
na bawat isa'y pagpapala
mula sa kanya
na unang biyaya
kaya ngayong pasko
ang blessings ko'y kayo
thank you
ang babait ninyo
nadapa man kahapon
bukas ay babangon
lahat ng pagkakataon
ako'y iyong inaahon
higit pa sa sapat
binigay niya na'ng lahat
maraming dahilan
maraming paraan
para sa inyo ay magpasalamatan