tila humihinto ang aking panahon
walang naririnig kundi huni ng ibon
umaawit dinadala ng ihip ng hangin
tila gumaganda ng lalo mga rosas
dumadampi at bumubulong sayo
naririnig mo ba ang bulong ng puso ko
tila ngumingiti ang araw sa umaga
mga paru-paro'y naglalaro
dumadampi at bumubulong sa'yo
naririnig mo ba ang tunog ng puso ko?
binubulong ng hangin dama nitong dibdib
naririnig mo bang tunog ng puso ko?