o kay ganda ng bawat umagang lagi kang nakikita
nang masilayan parang nasa ulap na
bawat sulyap ng 'yong mata
ngunit 'di mo alam ang aking nararamdaman
akala mo'y tingin sayo'y pang-kaibigan lang
pilit na lang tinatago sa takot na mabigo
ngunit di matahimik ang puso
bukas kung kailan ang puso'y may tapang
para sabihin sa iyo ikaw lamang
ang s'yang nilalaman ng puso ko
alam kong dapat mo nang malaman
kailan masasabi sayo'ng mahal kita
ngunit pag nalaman baka umiwas na
tiyak na mundo'y magugunaw
ngunit di nga naman malalaman kung di susubukan
hanggang kailan na lang ba kita pagmamasdan
kahit nasa tamang pagkakataon
bakit di ba magawa ngayon?
bukas kung kailan ang puso'y may tapang
para sabihin sa iyo ikaw lamang
ang s'yang nilalaman ng puso ko
alam kong dapat mo nang malaman
bukas kung kailan ang puso'y may tapang
para sabihin sa iyo ikaw lamang
ang s'yang nilalaman ng puso ko
alam kong dapat mo nang malaman