tsinelas sa putikan

Singer:gloc-9

ilakad ang tsinelas sa putikan

humakbang kahit na mahirap

iyong mga paa'y madudumihan

palatandaan ng pagsusumikap

bumangon sa hamon

lalaban at hindi ka na papayag

magpa agos sa alon

sabay nating itataas ang layag

ilakad ang tsinelas sa putikan

humakbang kahit na mahirap

iyong mga paa'y madudumihan

palatandaan ng pagsusumikap

bumangon sa hamon

lalaban at hindi ka na papayag

magpa agos sa alon

sabay nating itataas ang layag

barong-barong

patong-patong

bulok na bahay

kalong-kalong

ng lupang 'di sa amin

sako-sakong dasal 'wag palayasin

halo-halong mga sana na nagka dikit-dikit

parang kapit mo sa gamit na nagka ilit-ilit

maniningil na pagkakulit-kulit

sa kakarampot mong naipon na nagkapunit-punit

lumang bente

singkwenta

maswerte kung isangdaan

para kang binenta pagkatapos ay dinaganan

ng kalang sinilaban

lutuang walang laman

kaliwa o pakanan

alam mo pa ba ang daan?

tinatapakan

pinupulaan

sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang

maraming nakaharang kahit magsabing paraan

minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan

ilakad ang tsinelas sa putikan

humakbang kahit na mahirap

iyong mga paa'y madudumihan

palatandaan ng pagsusumikap

bumangon sa hamon

lalaban at hindi ka na papayag

magpa agos sa alon

sabay nating itataas ang layag

sawang-sawa ka na ba?

gusto mo nang magmura

sumigaw

umayaw

bumitaw kung baga

tila kumupas na'ng mga guhit-guhit

sa mga palad ang hiling ay hindi madinig-dinig

tuyo at lumalatay kapag hinablit ka ng silid

walang maaaning bunga kahit dilig ka ng dilig

kumandirit dahil baka may magising nakakahiya

bagkus humalagpos ang poste ng bahay at gumiba

kumayod na parang wala kang karapatang humiga

kumurap kahit na ayaw mong kapalan ang mukha

tinatapakan

pinupulaan

sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang

maraming nakaharang kahit magsabing paraan

minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan

ilakad ang tsinelas sa putikan

humakbang kahit na mahirap

iyong mga paa'y madudumihan

palatandaan ng pagsusumikap

bumangon sa hamon

lalaban at hindi ka na papayag

magpa agos sa alon

sabay nating itataas ang layag

ilakad ang tsinelas sa putikan

humakbang kahit na mahirap

iyong mga paa'y madudumihan

palatandaan ng pagsusumikap

bumangon sa hamon

lalaban at hindi ka na papayag

magpa agos sa alon

sabay nating itataas ang layag